MANILA – Nakatakdang aprubahan ngayong araw (Sept. 6) ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang pagpapaliban ng Barangay at S-K election sa bansa.Sa ilalim ng House Bill 3384 ni Speaker Pantaleon Alvarez, magiging nasa“hold-over capacity” o mananatili sa posisyon ang lahat ng barangay officials hanggang sa maidaos ang halalan sa October 23, 2017.Tiwala si Suffrage Committee Chairman at Cibac Rep. Sherwin Tugna, na hindi sila mahihirapan na ipasa ang panukala at agad din itong maiaakyat sa plenaryo.Samantala… pabor si Deputy Speaker Gloria Arroyo, na buwagin na ang posisyon ng SK at barangay kagawad dahil sayang lamang ang P24 billion kada taon na ginagastos dito.Nanawagan naman si Albay Rep. Edcel Lagman na huwag magpadalos-dalos sa pagbuwag sa SK.Layon ng pagpapaliban sa eleksyon na mabigyan ng sapat na oras ang kongreso para sa isinusulong na pagbuwag sa Barangay Kagawad at SK post.
Pagpapaliban Sa Barangay At Sk Election, Aaprubahan Ngayong Araw
Facebook Comments