Pagpapaliban sa Barangay at SK Election para sa May 2018, aprubado na sa House Committee on Suffrage and Electoral Reform

Manila, Philippines – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang pagpapaliban sa Barangay at SK elections ngayong October 2017 at ang hold-over capacity ng kasalukuyang mga nakaupong barangay officials.
Sa botong 19 na Yes at 2 na No ay naipasa na sa committee level ang pagpapaliban sa barangay at SK election na isasabay naman sa plebesito ng BBL o Federalism sa ikalawang Lunes ng buwan ng Mayo ng susunod na taon o sa 2018.
Bago ito ay hinarang ni ACT Teachers Rep. Antonio Tinio ang pagpapasa sa batas at iginiit na parusahan ang mga sinasabing barangay officials na sangkot sa iligal na droga at ituloy pa rin ang halalan.
Hindi naman pabor ang mayorya na myembro ng komite kung itutuloy ang barangay election ngayon taon dahil tiyak na gagamitin ang drug money dito.
Samantala, dahil sa hindi agad napagdesisyunan ang postponement ng barangay at sk election, umakyat na sa halos P200 Milyon ang nagagastos dito ng Commission on Election.
Sinabi ni Finance Director Zita Buena-Castillon, umabot na sa P197.76M (P197,768,305) ang nagagastos para sa paghahanda sa nasabing halalan.
Mayroon naman anyang P1.3B ang nailan na sa iba pang gastuhin tulad ng printing ng balota at paghire ng mga casual employees.
Nasa P6B pa naman ang natitirang budget ng komisyon para sa SK at Barangay election.
Ayon naman kay COMELEC Commissioner Arthur Lim nagpapatuloy pa rin ang kanilang procurement ng mga forms at equipment na gagamitin sa eleksyon.
Dagdag nito, hanggat walang ganap na batas kaugnay sa pagpapaliban ng eleksyon ay magpapatuloy sila sa paghahanda sa SK at Barangay Elections.

Facebook Comments