Pagpapalit ng mga namumuno sa COVID-19 response, hindi napapanahon ayon sa Palasyo

Hindi napapanahon na sa gitna nang paglaban sa pandemya ay papalitan ang mga namumuno rito.

Reaksyon ito ni Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque sa naging pahayag ni Senator Panfilo Lacson na hindi maramdaman ng taumbayan ang in-charge sa pandemya at tila naka-auto pilot ang bansa kung kaya’t patuloy na dumadami ang COVID-19 cases sa bansa.

Ayon kay Roque, kaysa tumugon sa ganitong panawagan, naka-focus ngayon ang pamahalaan sa pagtugon sa problemang dulot ng pandemya.


Sinabi pa ni Roque na kapag may pandemya, ibigay muna ang kinakailangan at huwag muna pag-usapan ang liderato.

Sa katunayan, iba’t ibang sangay ng pamahalaan o whole-of-government approach ang involved sa COVID-19 response kasama na ang mga doktor, scientists at iba pang mga dalubhasa.

Facebook Comments