Pagpapanagot sa nasa likod ng emergency text alert system na pabor sa isang kandidato, tiniyak ng COMELEC

Tiniyak ngCommission on Elections (COMELEC) ang pagpapanagot sa nasa likod ng emergency text alert system na may mensaheng pabor sa isang kandidato sa 2022 elections.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, patuloy na nila itong pinag-aaralan para makahanap ng paraan at masita ang sinumang may kagagawan.

Ang emergency text alert ay kahalintulad sa ipinapadala ng National Disaster Risk Reduction Management Council (NDRRMC) tuwing may kalamidad o sakuna.


Natanggap ito ng mga nasa Sofitel Harbor Tent sa Pasay City matapos maghain si dating Senador Bongbong Marcos ng kaniyang kandidatura sa pagkapangulo sa 2022 election.

Maliban sa Comelec, iniimbestigahan na rin ng National Telecommunication Commission (NTC) at ng kamara ang insidente.

Facebook Comments