Manila, Philippines – Kasabay ng ipinagdiriwang na araw ng ating kasarinlan ay iginiit ng Senate Minority Bloc sa lahat ng government institutions na panatilihin ang independence ng mga ito.
Leader ng minority bloc si Senator Franklin M. Drilon at miyembro naman sina senators Kiko Pangilinan, Bam Aquino, Leila De Lima, Antonio Trillanes IV at Risa Hontiveros.
Ayon kay Drilon, sa gitna ng kumplikado at divisive na political environment sa bansa ay mahalagang mapanatili ang independence ng mga govt. institutions upang makapaglingkod ang mga ito ng tama sa mamamayang Pilipino.
Diin pa ni Drilon, ang kawalan ng respeto sa ating mga institusyon ay isang insulto sa alaala ng mga magigiting na pilipinong lumaban para makamit ng Pilipinas ang kalayaan.
Sabi naman ni sen Trillanes, ang pagbabantay natin para sa independence ng ating mga institution ay para din sa ating kapakanan.
Giit naman nina Senators Pangilinan at Aquino, higit ngayon na dapat nating ipaglaban ang ating kalayaan para hindi manaig ang terorismo, pagakin sa ating teritoryo, paghina ng political institutions, matinding online persecution at pag iral ng fake news at mga kasinungalingan.
Para naman kay Senator Hontiveros, ang tinatamasa nating independence at freedom ay walang saysay kung hindi magagarantiyan ang katatagan ng ating democratic institutions.
DZXL558