Pagpapanumbalik ng Elektrisidad sa CAGELCO 1 at 2, Gagawan ng Mabilis na Paraan Ayon sa PHILRECA at Neleca President!

Cauayan City,Isabela – Iginiit ng pamunuan ng Philippine Rural Electric Cooperatives Association o PHILRECA at Northeast Luzon Electric Cooperatives Association o Neleca na gagawan ng mabilis na paraan upang maibalik ang elektrisidad na sakop ng Cagayan Electric Cooperative o Cagelco 1 at Cagelco 2.

Ayon kay ginoong Preslie de Jesus, president ng PHILRECA at Neleca kasama umano sa isinagawang pagpupulong kahapon ang mga electric cooperatives sa rehiyon dos partikular ang Cagelco 1 at Cagelco 2 at mga miyembro ng Neleca upang pag-usapan ang mga nararapat na gawin sa karamihang bayan sa Cagayan na walang suplay ng koryente hanggang sa ngayon.

Napag-usapan umano na ang Neleca at ang Electric Cooperatives ng Region 3 ay magpapadala ng taskforce upang tumulong sa pag-aayos ng mga linya at kable ng koryente sa Cagayan na malalang naapektuhan ng bagyong ompong.


Aniya maaring isang buwan ang pag-aayos sa tulong ng lahat ng cooperatives ngunit kung magiging maganda umano ang panahon at bumaba na ang tubig sa mga lugar na nabaha ay maaring sa dalawa hanggang tatlong linggo lamang ang pag-aayos ng linya ng koryente.

Pangunahin umano na iaayos ay ang mga backbone at main line at sa mga residential at drop wire ay kaagad na isusunod na aayusin dahil sa nakahanda naman umano ang tanggapan ni ginoong De Jesus na ipahiram ang kanilang mga kagamitan para sa karagdagang pagsasaayos ng mga nasirang linya ng koryente.

Facebook Comments