Iligal na Pagparada ng mga Sasakyan, Hihigpitan ng POSD Cauayan City, Isabela

*Cauayan City, Isabela- *Muling nagpapaalala ang tanggapan ng Public Order Safety Division (POSD) Cauayan City sa mga motorista kaugnay sa kanilang mahigpit na pagpapatupad sa maayos at tamang pagpaparada ng mga sasakyan sa mga pangunahing lansangan.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Deputy Chief Antonio De Luna ng POSD Cauayan City, mayroon na silang nasampolang tricycle kahapon dahil sa pagpaparada sa hindi tamang lugar.

Tinututukan rin ngayon ng POSD ang pagpapatupad sa No Counter Flow Parking upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko sa mga pangunahing lansangan.


Dagdag pa rito ay kanilang ring inaayos ang mga signages sa mga lansangan at plano nang gawing permanente upang hindi na madaling masira at matanggal sa pwesto.

Hinihiling naman ng pamunuan ng POSD ang suporta at kooperasyon ng mamamayan hinggil sa kanilang ipinapatupad na ordinansa.

Samantala, nagbabala na rin ang kanilang pamunuan sa mga sidewalk vendors na maaapektuhan ng ginagawang road widening ng DPWH dito sa Lungsod ng Cauayan.

Facebook Comments