PAGPAPAREHISTRO NG FARM MACHENERIES AT EQUIPMENT, IPINANAWAGAN

Cauayan City, Isabela- Nananawagan ngayon ang City Agriculture Office sa mga magsasakang may pag-aaring makinarya na hindi pa nairegister na iparehistro na sa kanilang tanggapan.

Sa panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay City Agriculturist Engr. Ricardo Alonzo, aasahan aniya na sa mga susunod na araw ay mag-iikot at magtutungo ang mga kawani ng City Agriculture Office sa iba’t-ibang barangay dito sa Lungsod ng Cauayan para hikayatin at asistehan sa pagpaparehistro ang mga magsasakang may makinarya na hindi pa nairerehistro.

Importante aniya na mairehistro ang mga Farm equipment sa Agriculture Office para mabigyan ng QR Code bilang patunay na pag-aari ito at para may pagkakakilanlan na rin kung sakaling mawala o nakawin ito ng mga kawatan.

Alinsunod na rin aniya ito sa City Ordinance ng Cauayan na ipinasa ng City Council noong taong 2019 na kailangang mairehistro sa online registration system ang mga Agri-Fishery Machineries at equipment ng mga magsasaka.

Samantala, nagpapatuloy pa rin ang pamamahagi ng City Agriculture Office ng libreng Hybrid rice seeds at fertilizer discounts voucher sa mga benepisyaryong magsasaka na nakarehistro sa RSBSA o Registry System for Basic Sectors in Agriculture na kung saan nasa pitumpung porsyento na ang nabenepisyuhan sa nasabing tulong ng pamahalaan.

Facebook Comments