UNVEILING NG DRUG-FREE WORKPLACE SIGNAGE NG SANTA MARIA, PINANGUNAHAN NG DALAWANG MATAAS NA OPISYAL NG PNP

14
Cauayan City, Isabela- Pinangunahan mismo nina PRO 2 Regional Director PBGen Steve B Ludan at Isabela Provincial Director PCol Julio R Go ang Ceremonial Unveiling ng Drug-Free Workplace Signage ng bayan ng Santa Maria, Isabela na ginanap sa Gymnasium, Poblacion 1 ng nasabing bayan.

Bago ang aktibidad, nagkaroon muna ng maikling programa kung saan nagbahagi ng taong pusong pasasalamat ang alkalde ng Sta Maria na si Hon. Hilario G. Pagauitan, dahil pormal at magiging ganap ng Drug-free Workplace ang Santa Maria.

Ito ay sa tulong at pamamagitan na rin ng PDEA-Isabela na isa sa naging instrumento sa nakamit na tagumpay ng nasabing bayan.

Nagbahagi rin si PBGEN LUDAN ng kanyang mensahe at kanyang pinuri ang Alkade maging ang PNP Santa Maria na pinamumunuan ni PMaj Rogelio C Natividad, Chief of Police sa kanilang husay sa pagsugpo laban sa Iligal na droga kung saan lahat ng 19 Barangays ng Santa Maria ay Drug Cleared na.

Samantala, bukod sa unveilieng ng drug free signage, nagsagawa naman ang Department of Health ng Santa Maria at PDEA Isabela ng Mandatory Drug Testing para sa mga Person Who Used Drugs (PWUD) sa lahat ng nasasakupang barangay.

Facebook Comments