Pagpapasara ng 55 Lumad schools sa Davao Region, pinalagan

Iginiit ni Bayan Muna Party-list Representative Eufemia Cullamat, isang Lumad Manobo, na paglabag sa right to education ng mga kabataan ang ginawang pagpapasara ng 55 Lumad Schools sa Davao Region na Salugpungan Ta’ Tanu Igkanogon Community Learning Center.

Sinabi nito na ang nais ng Department of Education o DepEd ay hindi mamulat sa tunay na katotohanan ang mga Lumad ngunit para patuloy silang lokohin, apihin at tanggalan ng karapatan nang sa gayon ay madali lang nila agawin ang lupang ninuno na siyang buhay ng mga katutubong Lumad.

Iginiit ng mambabatas na sa halip na gipitin at ipagkait ng DepEd ang edukasyon ng mga Lumad ay dapat pa nga nilang kilalanin at tulungan ang pagpupursigi ng mga katutubo.


Para naman kay Kabataan Party-list Representative Sarah Elago ang temporary closure ay dahil sa sulsol ng Anti-Insurgency Task Force sa pangunguna ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr.

Kinukwestyon din ni Elago ang pagiging evaluators ng militar sa school performance at kung bakit ito nagpapasya para sa mga school children.

Facebook Comments