Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapasinaya ng bagong gusali ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Pasig City.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng pangulo na kung kulang man ang mga nagawa niyang proyekto para sa bayan, ito aniya ay hindi dahil sa kapabayaan kundi dahil sa kapos ang anim na taon para maipatupad ang mga ito.
Samantala, hinimok naman ng Pangulong Duterte ang pribadong sektor na mag-invest din sa ligtas na infrastructure.
Ang bagong MMDA Head Office Building ay may special features tulad ng centralized data system, upgraded Metrobase Operations Center at MMDA Corporate Auditorium.
Ang naturang 20-palapag na bagong gusali ng MMDA ay mayroon din roof deck at helipad, at ito ay binigyan ng one-star accreditation ng Building for Ecologically Responsive Design Excellence (BERDE).