103 na na-rescue sa nasunog na fast craft vessel sa Real, Quezon, nakauwi na

125

Kinumpirma ng Philippine Coast Guard (PCG) na nakauwi na sa kanilang mga tahanan ang 103 na sakay ng nasunog na fast craft vessel sa Real, Quezon Province.

Habang patuloy pang nilalapatan ng lunas sa ospital ang 24 na mga nasugatan sa trahedya kabilang na ang kapitan ng MV Mercraft 2.

Kinumpirma rin ng PCG na wala silang nakitang traces ng pagtagas ng langis sa bahagi ng karagatan na pinangyarihan ng insidente.


Sa kabila nito, patuloy ang pagpapatrolya ng mga tauhan ng PCG sa karagatan ng Real.

Ito ay bagama’t nahatak na rin ng MV Triple Kent ang nasunog na fast craft vessel patungo sa Baluti Island, Barangay Cawayan sa Real.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad sa insidente.



Facebook Comments