Cauayan City, Isabela- Ipinag utos ni DENR Regional Executive Director Gwendolyn Bambalan sa lahat ng PENR officers na bantayan at pagbawalan ang mga kandidato na magpako ng kanilang mga campaign materials sa lahat ng mga punongkahoy.
Ayon sa opisyal, malinaw umano na paglabag ito sa RA 3571 o pagbabawal sa pagputol, pagsira sa punongkahoy sa public roads, plazas, parks, schools, or saan mang pampublikong lugar.
Nakapaloob rin umano sa COMELEC Resolution No. 10730 Sec. 21 na ang sinumang kandidato na magkakabit ng campaign materials sa mga punongkahoy ay papanagutin sa ilalim ng batas.
Mahigpit namang paalala ng opisyal sa lahat ng empleyado ng kanilang ahensya na gamitin ng tama ang pagboto ngunit iwasan ang makiisa sa anumang aktibidad ng mga pulitiko.
Facebook Comments