SA TAYUG: SELYADONG KAHON, NAMATAAN MALAPIT SA LUGAR NA NAKATANGGAP NG BOMB THREAT

36

TAYUG, PANGASINAN – Namataan ng isang concerned citizen sa bayan ng Tayug ang isang selyadong kahon ang mistulang iniwan sa harap ng isang cellphone shop na malapit naman sa isang remittance center.

Agad namang rumesponde ang hanay ng PNP Tayug katuwang ang 2nd PMFC Bomb Squad at bomb-sniffing K9 units.

Nang buksan ang kahon tumambad sa mga otoridad ang mga papel at basura.

Matatandaan na noong Lunes ika-3 ng binulabog ng isang bomb scare ang nasabing bayan.

Sa ngayon, inaalam na ng mga otoridad kung sino ang nasa likod ng nasabing pananakot. | ifmnews

Facebook Comments