Pagpapataas ng remittance ng mga OFWs, pinagagawan ng paraan

Manila, Philippines – Pinaaagapan ni House Committee on Banks and Financial Intermediaries Vice Chairman Henry Ong sa gobyerno ang pagpapanatili ng mataas na OFW remittances sa bansa.

Ayon kay Ong, dapat na kumbinsihin ng mga economic managers at mga kaukulang ahensya ang mga OFWs na mamuhunan ng malaki sa mga maliliit na negosyo, financial securities, retirement savings, health care at education insurance.

Inaasahang tataas ngayong taon ang OFW remittances base na rin sa historical trend ng remittances ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).


Sinabi nito, posibleng pumalo sa $31 billion ang OFW remittances ngayong 2018 kung magagawan ng paraan ng pamahalaan.

Batay sa tala ng BSP mula 2010, dumoble ang total remittances ng mga OFWs mula July hanggang December kumpara sa figures ng January hanggang June.

Sa kapareho ding data, lumalabas na nag-fluctuate ang growth rate ng OFW remittances sa 5.6% noong 2009, 8.6% noong 2013 at 5.3% sa 2017.

Sa taong 2013 hanggang 2014 nanatiling mataas ang growth rate ng OFW remittances mula 8.6% hanggang 7.5% bunsod na rin ng presyuhan ng krudo sa world market.

Facebook Comments