Inirekomenda ni CIBAC Party-list Rep. Sherwin Tugna sa Commission on Elections na paigtingin ang information campaign para maitaas ang voter turnout ng mga OFWs.
Paliwanag ni Tugna, dapat lamang na ipaalam ng Comelec sa OFWs ang kasalukuyang lagay ng bansa at kung sinu-sino ang mga pinagpipiliang kandidato upang matukoy ang maaaring pagkatiwalaan at hindi.
Mainam na mas dumami pa ang mga OFWs na makikilahok sa eleksyon upang maniwala ang mga Pilipino na nasa kamay pa rin nito kung paano pamumunuan ang bansa at para pahalagahan ng mga opisyal ang nakaatang na responsibilidad.
May karapatan aniya ang mga Pinoy workers sa ibang bansa na pumili kung sino ang mga karapat-dapat na opisyal.
Target ng poll body na malampasan ang 16% turn out noong 2013 elections mula sa OFWs lalo’t dumarami ang kumikilala sa impact ng kanilang boto.