Pagpapatapon sa Marawi City sa dalawang pulis Mandaluyong, offensive para lokal na opisyal ng Lanao Del Sur

Manila, Philippines – “Offensive” para sa mga lokal na opisyal ng Lanao Del Sur ang ginawang pagpapatapon sa Marawi City sa dalawang pulis-Mandaluyong na inireklamo ng pang-aabuso sa mga preso.

Sa isang mensahe sa twitter, sinabi ni Crisis Management Committee Spokesman Zia Alonto Adiong na hindi dapat gawing basurahan ng mga abusadong pulis ang Marawi.

Sa halip na ipatapon, sampahan na lang ang mga ito ng kasong administratibo.


Gayunman, pinanindigan ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ang utos nitong ipatapon sa marawi sina PO1 Jose Tandog at Chito Enriquez.

Aniya, tuloy pa rin naman ang imbestigasyon sa mga ito at tiniyak na dadaan sa due process ang pagsasampa sa kanila ng kaso.

Facebook Comments