PAGPAPATATAG NG INVESTMENTS MULA SA IBA’T IBANG SEKTOR, TINUTUTUKAN SA LA UNION

Tinutukan ng Provincial Government of La Union (PGLU) kasama ang Department of Trade and Industry (DTI) La Union at Board of Investments (BOI) ang pagpapalakas ng investments mula sa iba’t ibang sektor sa pamamagitan ng ikatlong La Union Investment Forum.

Nagtipon sa forum ang mga investors, business leaders, development partners, at lokal na pamahalaan upang tuklasin ang mga strategic investment opportunities at palakasin ang posisyon ng La Union bilang sentro ng inobasyon at paglago sa Northern Luzon.

Ibinahagi sa forum ang mga dahilan kung bakit itinuturing ang La Union bilang susunod na pangunahing investment destination sa rehiyon, kasama ang presentasyon tungkol sa business prospects sa Poro Point Freeport Zone.

Tinalakay din ang Indian Investors Outlook, updates sa National Government’s Strategic Investment Priority Plan, at ang Green Lane Program mula sa BOI.

Ayon sa organizers, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng PGLU, DTI, BOI, at ng business community, patuloy na pinapanday ng La Union ang landas tungo sa isang inklusibo, sustainable, at investment-ready na lalawigan.

Facebook Comments