Pagpapataw ng deployment cap, hindi ikinokonsidera ng pamahalaan sa gitna ng kakulangan ng health workers sa bansa

Hindi ikinokonsidera ng pamahalaan ang pagpapataw ng “deployment cap” sa gitna ng kakulangan sa health workers sa bansa.

Ito’y kasunod ng ulat ng Department of Health (DOH) na nasa 190,000 ang kulang na medical workers ng bansa dahil karamihan sa mga ito ay piniling magtrabaho abroad.

Sa Malacañang press briefing, sinabi ni Health Sec. Ted Herbosa na sa halip na magpataw ng deployment cap ay nakatutok ang pamahalaan sa pagpaparami ng mga medical graduates sa bansa.


Sa katunayan, sabi ni Herbosa ay umakyat na sa 20 ang bilang ng State Universities and Colleges na nagpo-produce ng medical students sa Pilipinas.

Malaking improvement aniya ito, mula sa orihinal na walong SUCs na may medical courses noong nakaraang administrasyon.

Pursigido rin ang DOH para mapataas pa ang bilang na ito.

Facebook Comments