AFP, kumpiyansang napigilan nila ang binuong malaking plano ng Maute sa Marawi City

Marawi City, Philippines – Kumbinsido ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na napigilan nila ang binuong malaking planong pagsalakay ng Maute Group sa Marawi City.

Ito ay matapos marekober ang video ng pagpupulong ng Abu Sayaff Leader na si Isnilon Hapilon at magkapatid na Abdullah at Omar Maute.

Ayon kay joint Task Force Marawi Spokesperosn Lt. Col Jo-Ar Herrera – may nauna nang mga nakuhang dokumento, video at iba pang materyales ang militar na nagpapakita na plinano talaga ang pagkubkob sa Marawi City.


Sa Mindanao Hour sa Malakanyang, naniniwala si AFP Spokesman Brig. Gen. Restituto Padilla na malaking dagok rin sa mga teroristang grupo ang pagkakaaresto ng mga otoridad kay Cayamora Maute, ama ng Maute Brothers.
DZXL558

Facebook Comments