Pagpapatayo ng isang Coal Fired Power Plant sa Pangasina, tinututulan

Tinututulan ngayon ng grupong Save Sual Movemement ang pagpapatayo ng isang Coal Fired Power Plant sa Sual Pangasinan.

Kamakailan lamang naglabas ng mensahe ang grupong SSM at nakasaad dito na makakasira umano sa kalikasan at maaring magdulot ng Panganib sa kalusugan ng mga residente ang nasabing col fired power plant.

Ang nasabing coal fired power plant ay ipapatayo umano ng Korean Electric Power Corporation na mah 1000 megawatts.


Hinihikayat ng naturang grupo ang mga mamamayan at local government units na makiisa na tutulan ang pagpapatayo ng Coal fire Power plant maging ang Mayor ng bayan na maglabas ng resolusyon na upang mapigilan ang pagpapatayo nito.

Suhestiyon mng grupong SSM Mas maimam umano sa ngayon ang Renewable Energy sa bayan ng Sual Pangasinan matapos ang 18 taon ng unang Sual Power Plant.

Facebook Comments