Manila, Philippines – Papasinayaan na ng Department of Transportation (DOTr) ang Manila-Clark railway project.
Mamarkahan sa Lunes, June 26 ang unang limang istasyon ng nasabing proyekto, kabilang ang Tutuban, Valenzuela, Caloocan, Meycauayan at Marilao Stations.
Ang nasabing proyekto ay may habang 106 na kilometro na layong mapabilis sa ang biyahe mula Maynila patungong Clark.
Inaasahang makikinabang dito ang 350,000 na pasahero kada araw.
Target ng ahensya na masimulan ang konstruksyon sa huling kwarter ng kasalukuyang taon.
Facebook Comments