Pagpapatayo ng mga silid-aralan, ipinauubaya sa mga lokal na pamahalaan

Hiniling ni Senator Sherwin Gatchalian na ipaubaya sa mga lokal na pamahalaan ang pagpapatayo sa mga silid-aralan.

Naniniwala ang senador na mas magiging epektibo kung hati ang Local Government Units (LGUs) at ang Department of Education (DepEd) sa responsibilidad ng pagtatayo ng mga classroom upang mas mapabilis ang pagtugon sa kakulangan nito sa buong bansa.

Aniya, kung kalahati ng pondo ay mapupunta sa DepEd at sa LGU ay sabay-sabay na maipapatayo ang mga silid-aralan.


Unang nang isinusulong ni Gatchalian ang panukala na magpapahintulot sa mga paaralan na magpatayo ng karagdagang palapag upang mas marami ang mga silid-aralan na maipagawa.

Sa kasalukuyang regulasyon ay hanggang apat na palapag lang ang pinapayagan sa mga gusali ng mga paaralan upang hindi mahirapan na pumanhik ang mga mag-aaral.

Sa ginanap na pagdinig ng 2023 National Expenditure Program (NEP) ay nausisa ang walang katapusang problema ng bansa sa kakulangan ng mga silid-aralan.

Facebook Comments