Pagpapatibay ng Bayanihan 3 o supplemental budget para sa mga biktima ng kalamidad, isinulong ni Sen. Recto

Iminungkahi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto na magsabatas ng Bayanihan 3 para mabigyan ng agarang tulong ang mga biktima ng kalamidad.

Ayon kay Recto, pwede rin silang mag-apruba ng supplemental o pahabol na budget ngayong taon para agarang mabigyan ng ayuda ang mga sinalanta ng bagyo at matinding pagbaha.

Paliwanag ni Recto, ang pondo dito ay maaaring kunin sa mga inutang ng gobyerno na lagpas sa budget deficit na sa tantya ni Recto ay nasa ₱1 trillion ngayon.


Sabi naman ni Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara, maaari nilang bigyang daan ang suhestyon ni Recto kapag natapos na nila ang pagtalakay sa panukalang pambansang budget para sa susunod na taon.

Sa budget deliberations ay binanggit naman ni Angara na mayroon pang ₱8.6 billion sa calamity fund ng pamahalaan ngayong taon.

Facebook Comments