Pagpapatigil at pagbabawal sa paggamit ng logbooks para sa contact tracing, pinag-aaralan na ng DILG

Pinag-aaralan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na ipatigil at ipagbawal na ang paggamit ng logbooks para sa contact tracing.

Ito ay matapos na makatanggap ng ulat ang DILG ng umano’y smishing sa mga dokumento.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, makikipag-ugnayan na sila sa National Privacy Commission (NPC) sa posibilidad na tuluyang ipagbawal ang logbooks.


Nauna rito, nagpalabas ng abiso ang NPC hinggil sa smishing na ginagamit ng ilang tiwaling indibidwal upang makapanloko ng kanilang kapwa.

Sa smishing, nagpapadala ang fraudsters ng text messages na nagkukunwaring mula sa mga respetadong kumpanya, upang linlangin ang ilang indibidwal para ibunyag ang kanilang personal na impormasyon.

Upang maiwasan ito, dapat magbigay na lamang ang mga establisyemento ng hiwalay na forms o tumanggap ng digital contact tracing applications gaya ng StaySafe app.

Facebook Comments