
Ikinatuwa ng Malacañang ang desisyon ni US President Donald Trump na ipagpatuloy ang foreign aid ng Amerika sa Pilipinas.
Matatandaang inanunsyo ni Philippine Ambassador Jose Manuel Romualdez ang exemption ng 336 million USD aid ng Amerika para sa modernization ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon kay PCO Usec. at Palace Press Officer Atty. Claire Castro na malaking bagay ito para sa Pilipinas, at ipinagpapasalamat ng bansa.
Gayunpaman, nilinaw ng opisyal na may tulong man o wala mula sa US ay tuloy lamang ang paggulong ng AFP modernization program.
Tiniyak din ng Palasyo na hindi masasayang ang tulong ng Amerika at magagamit ito sa tama.
Facebook Comments









