Pagpapatuloy ng libreng tertiary education ng kwalipikadong mag-aaral sa SUCs, tiniyak ni PBBM

 

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagpapatuloy ng libreng tertiary education sa public universities at colleges para sa mga kuwalipikadong mag-aaral, sa ilalim ng Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Layunin nitong tulungan ang mga karapat-dapat na mag-aaral na hindi kayang suportahan ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo.

Sa National Higher Education Day Summit, inihayag ng pangulo na nasa P134 billion ang pondong inilaan ng gobyerno para sa state universities at colleges ngayong taon.


Giit ng pangulo, kailangang mag-invest ng gobyerno sa edukasyon dahil kailangan ng bansa ang skilled workers.

Anumang gastusin aniya sa edukasyon ay hindi dapat ituring na expenditure kundi investment sa mga Pilipino, sa bansa, at sa hinaharap.

Naniniwala rin aniya siyang ang edukasyon ang pinakamahalagang serbisyo na dapat ibigay ng gobyerno sa publiko.

Facebook Comments