Thursday, September 17, 2026

Pagpapatuloy ng pagtalakay sa Anti-Political Dynasty Bill, hiniling ng isang senador

Nanawagan si Senator Risa Hontiveros sa Senado na ipagpatuloy ang pagtalakay sa Anti-Political Dynasty Bill matapos manawagan ang Supreme Court sa Kongreso na ipasa ang batas na tuluyang magbabawal sa political dynasties.

Sinabi ni Hontiveros na umabot na sa 39 taon ang hindi pagpapasa ng naturang batas.

Ayon kay Hontiveros na mayroon na siyang nabuong bersyon ng panukala na dumaan sa committee hearings at umabot na sa plenary deliberations noong siya pa ang chairperson ng senate committee on electoral reforms.

Sinabi ni Hontiveros na handa siyang tumulong at ipagpatuloy ang pag-sponsor ng panukala, kung papayagan ng bagong pamunuan ng komite.

Samantala, sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na nananatiling Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) priority measure ang Anti-Political Dynasty Bill kaya patuloy itong isusulong ng mataas na kapulungan.

Facebook Comments