
Nagtapos nang mapayapa at maayos ang naganap na Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Election ayon ito sa Philippine National Police (PNP).
Sa kabila ito ng mga naiulat na insidente na tinuturing na mga awtoridad na mga isolated cases lamang.
Sa Election Monitoring System ng PNP, naitala ang 100 percent completion sa paghahatid at pagbibilang ng mga boto sa higit 1 libong monitored location sa buong rehiyon ng BARMM.
Dagdag pa nito, nakumpleto na rin ang pagbalik ng election paraphernalia sa kanya-kanyang Treasurer’s Offices ng mga Lungsod at Munisipalidad pati na ang pagcanvass sa nasabing eleksyon.
Ayon kay PNP Chief General Jose Melencio Nartatez Jr., ang isinagawang payapang eleksyon ay suportado ng maagap na preparasyon , pakikipagugnayan at tamang paggamit ng mga tao at resources.
Pinuri rin nito ang mga PNP personnel na nagsilbi sa BARMM elections partikular na sa Special Elections Board (SEB), pati na ang deployed at augmentation personnel mula sa Police Regional Offices at PNP units.










