Pagpapatupad ng amnestiya para sa mga gun owners na may mga hindi lisensyadong baril pinaplano na ng PNP

Manila, Philippines – Pinaplano na ng Philippine National Police (PNP) ang pagpapatupad ng amnestiya para sa mga gun owners na matagal nang hindi nakakapag-renew ng lisensya ng kanilang mga baril.

Ito ay dahil na rin sa pagdami na nang bilang mga loose firearms na para sa PNP ay nagagamit na sa pagpatay ng mga kriminal.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde, sa ngayon batay sa datos ng PNP Firearms and Explosive Office mahigit isang milyon na ang mga baril na maikokonsiderang loose firearms.


Tiwala si Albayalde na kapag may amnestiya ay mahihikayat ang mga gun owners na i-renew ang kanilang mga lisensya ng kanilang mga baril.

Ngayon pa lamang ay ipinahahanda na ni Albayalde sa mga gun owners ang mga requirements na kakailanganin para sa ipatutupad na amnestiya dahil mabilis na lang aniya ang pagpapalisenya o pag-renew ng lisensya ngayon dahil may one stop building na sa Camp Crame para iproseso ito.

Facebook Comments