Pagpapatupad ng bagong number coding scheme, pagkatapos na ng Holy Week

Photo Courtesy: RTVM

Inaasahan na pagkatapos ng Holy Week, maaaprubahan ang proposal ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa bagong number coding scheme sa Metro Manila.

Ito ay bilang tugon sa lumalalang trapiko sa kalakhang Maynila.

Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni MMDA Chair Romando Artes na target nilang maipatupad ito simula Mayo 1.


Gayunpaman, bukas din aniya sila sakaling mai-adjust ito sa May 16, lalo’t ang implementasyon naman ng bagong number coding scheme ay bilang preparasyon sa inaasahang pagbabalik ng face-to-face classes sa Hunyo.

Sa isinumiteng bagong number coding scheme sa Metro Manila Council, inaasahang 40% ng volume ng mga sasakyan ang mababawas tuwing rush hour.

Base sa traffic volume reduction scheme ipatutupad ito 5PM hanggang 7PM lamang ng gabi at hindi kasama ang umaga.

Dalawang beses na maapektuhan ang mga sasakyan ng number coding scheme ang mga plakang nagtatapos sa (1,2 Mon-Wed) (3,4 Mon-Thurs) (5,6 Tue, Thurs) (7,8 Tue, Fri) (9,0 Wed, Fri)

Ito rin ay para sa mga pribadong sasakyang lamang at hindi kasama ang mga public utility vehicles tulad ng bus, jeepneys, taxis, TNVS at motorcycle.

Facebook Comments