Tatlo, patay sa pamamaril sa Hinoba-an, Negros Occidental

266

Nasawi ang tatlong indibidwal sa pamamaril sa mismong compound ng Senior High School Uybico Bilbao, Brgy Pook, Hinoba-an, Negros Occidental.

Ayon kay Police Major John Ganzon, hepe ng Hinobaan Municipal Police Station, nangyari ang pamamaril kaninang alas-8:30 ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na si Alvarisa Arroy na guro sa paaralan at asawa nito.


Si Warren Escosar na principal ng paaralan.

Ayon kay Ganzon, pinagbabaril ni Escosar ang mag-asawang Arroy makaraang makaaway nito.

Hindi malinaw ang pinagtatalunan ng tatlo nang mangyari ang pamamaril ngunit hinala ng mga pulis na may kinalaman ito sa harassment.



Nakatakda kasi umanong magreklamo ang guro ng pamababastos laban sa principal.

 

 

Matapos barilin ang mag-asawa ay pumasok sa kaniyang sasakyan si Escosar at doon naman binaril ang kaniyang sarili.


Sa kasalukuyan, nakakordon pa ang paaralan habang pinorposeso ng SOCO ang crime scene.

Facebook Comments