Suspendido ang pagpapatupad ng expanded unified vehicular volume reduction program o number coding scheme bukas, August 29.
Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), walang number coding bukas dahil sa pagdiriwang ng Araw ng mga Bayani na isang regular holiday.
Ibig sabihin ang mga sasakyan na nagtatapos sa 1 at 2 na sakop ng number coding kapag Lunes ay maaaring bumiyahe sa mga pangunahing kalsada sa Metro Manila.
Matatandaang pinapatupad ang number coding para maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko lalo na tuwing rush hour.
Ang number coding hour ay magsisimula ng alas-7:00 hanggang alas-10:00 ng umaga at alas-5:00 ng hapon hanggang alas-8:00 ng gabi.
Facebook Comments