Pagpapatupad ng mas mataas na Suggested Retail Price sa mga produktong baboy, pinalagan ng Consumer Group

Pumalag ang grupong Laban Konsyumer sa mas mataas na Suggested Retail Price (SRP) na ipatutupad ng Department of Agriculture (DA) bunsod ng limitadong suplay ng produktong baboy dahil sa African Swine Fever (ASF).

Ayon sa grupo, marami sa kanila ang nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19.

Kaya mas mabuting pag-aralan muna ng DA ang utos at kung maaari ay bawiin ang naturang SRP dahil masyado itong mataas.


Giit pa ng grupo, kung magpapatuloy ang pagtaas sa presyo ng baboy, maaaring sumunod ang produktong manok dahil sa pagtaas na rin ng farmgate price nito.

Sa ngayon, gumagawa na ng paraan ang D.A para maipadala sa Luzon ang mga produktong baboy mula sa Visayas at Mindanao.

Facebook Comments