Pagpapatupad ng NCAP, suportado ng PNP

Buo ang suporta ni Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr., sa pagpapatupad ng kontrobersyal na No Contact Apprehension Policy o NCAP.

Ayon kay Azurin, malaki ang maitutulong ng mga ipinakalat na CCTV camera para maiwasan ang korapsyon sa lansangan at mapangalagaan ang motorista maging ang mga pedestrian.

Gayunman, iminungkahi nito na magkaroon ng polisiya upang mapangalagaan ang mga driver na bumili ng 2nd hand na mga sasakyan.


Madalas kasi aniyang nagiging problema ng law enforcer ay ang pagtunton sa totoong driver ng mga sasakyan lalo’t kung ito ay segunda manong nabili.

Problema rin ng mga operator kung ang tsuper nila ang nahuli pero sa kanila nakapangalan ang sasakyan at sila ang sasalo ng parusa.

Sa ngayon, nananatiling suspendido ang pagpapatupad ng NCAP sa ilang lokal na pamahalaan sa Metro Manila.

Facebook Comments