Publiko, hinikayat ng DTI na simulan na ang pagbili ngayon pa lamang ng Noche Buena products na hindi agad nasisira habang mura pa ang presyo

91

Payo ng Department of Trade and Industry (DTI) sa publiko na ngayon pa lamang kung maaari ay bumili na at mag-ipon na ng Noche Buena products na hindi naman aabutan ng expiration o hindi madaling masira.

Ito ay sa harap na rin ng nalalapit na pagsapit ng “Ber Months” at pagiging patok na naman ng mga produktong inihahain tuwing Pasko at Bagong taon.

Karaniwan kasi aniya ay mas mura pa ang Noche Buena products sa panahong ito at nagtataas ang presyo pagpapalapit na ang holiday season.


Sinabi ni DTI Usec. Ruth Castelo na maglalabas sila ng Noche Buena bulletin sa huling linggo ng Oktubre o Nobyembre para mabigyan ng gabay ang mga mamimili sa kung magkano lang ba talaga dapat ang presyo ng mga nabanggit na produkto.

Suhestyon rin ni Castelo na bumili ng mga promo packs o bundle package na inaalok ng mga supermarkets dahil makatitipid sila rito ng mula 20 pesos hanggang 70 pesos.

Facebook Comments