Hepe ng MPD-SMaRT, ni-relieve sa pwesto

Ni-relieve sa pwesto si Police Lt. Col. Rizalino Ibay bilang hepe ng Manila Police District-Special Mayor Reaction Team (MPD- SMaRT).

Sa ipinadalang sulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO), inatasan si Ibay na malipat sa Quezon City Police District epektibo noon pang August 24, 2022.

Ang nasabing kautusan ay aprubado ni NCRPO Director Police Brig. Gen. Jonnel Estomo.


Wala pa naman inilalabas na impormasyon kung sino ang papalit kay Ibay para pamunuan ang MPD- SMaRT.

Matatandaan na si Ibay ang personal na pinili ni dating Manila Mayor Isko Moreno para pamunuan ang MPD-SMaRT sa ilalim ng kaniyang adminsitrasyon kung saan marami itong nagawa at naging epektibo ang kanilang tanggapan sa ilang mga police operations kasabay na rin ng pagtanggap ng ilang mga pagkilala dahil sa kaniyang dedikasyon sa trabaho.

Facebook Comments