Pagpapatupad ng safety and security protocols sa MRT, mas hinigpitan ngayong malapit na ang pagbabalik-eskuwela sa darating Agosto-22

Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng mga safety and security protocols sa buong linya ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) bilang paghahanda sa pagbabalik ng face-to-face classes o sa mga estudyanteng magbabalik-eskuwela sa darating Agosto-22.

Kabilang dito ang mas pinahigpit na baggage X-ray at checking upang makontrol ang pagpupuslit ng mga ipinagbabawal na kagamitan sa tren.

Mayroon ding mga rumorondang bomb-sniffing K-9 units sa mga istasyon ng MRT-3.


Upang mabantayan ang kalusugan ng mga pasahero laban sa COVID-19, patuloy rin ang striktong pagpapairal ng “7 Commandments” sa loob ng mga tren.

Kabilang dito ang palagiang pagsusuot ng face mask at boluntaryo ang pagsusuot ng face shield, pagbabawal sa pakipag-usap sa telepono at pagkain sa loob ng tren.

Facebook Comments