Pagpapauwi kay Mary Jane Veloso, walang anumang kondisyon; paglalagay sa Witness Protection Program hindi na kailangan – DOJ

Walang kapalit ang pagpapauwi sa death row inmate na si Mary Jane Veloso sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Department of Justice (DOJ) kasunod ng pagpupulong ng mga opisyal noong nakaraang linggo sa Indonesia kung saan 14 na taon nang nakakulong si Veloso dahil sa kasong may kaugnayan sa iligal na droga.

Ayon kay DOJ Spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, walang kondisyon sa pagbalik ni Veloso sa bansa.


Sa kabila nito, wala pang pinal na pinag-uusapan pagdating sa kung saan mananatili si Veloso pag-uwi ng Pilipinas.

Tiniyak naman ng DOJ na ihihiwalay si Veloso sa pasilidad ng mga kinasuhan niya ng qualified human trafficking at illegal recruitment lalo na’t isa siya sa testigo laban sa kanila.

Sa kabila niyan, hindi na raw kailangan pang ilagay ang Pinay sa Witness Protection Program dahil wala namang banta sa kaniyang buhay.

Facebook Comments