Pagpapauwi sa mga Pilipinong mula sa mga bansang may travel ban, inaprubahan na ng IATF

Pinayagan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) na makauwi ng Pilipinas ang mga Pilipino mula sa mga bansang may travel restrictions dahil sa India variant ng COVID-19.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kailangan lamang ng lahat ng repatriates mula sa India, Pakistan, Nepal, Sri lanka, Bangladesh, Oman at United Arab Emirates (UAE) ay sumailalim sa 14-day facility-based quarantine mula sa araw na dumating sa Pilipinas.

Kung hindi gobyerno ang nag-initiate ng pagpapauwi, sinabi ni Roque na ang concerned local manning agencies ng mga seafarer at Philippine recruitment agency para sa land-based workers o ang sponsoring Philippine government agency ay dapat magsumite ng exemption request sa Bureau of Quarantine (BOQ).


Kapag naaprubahan, ang mga pauwing OFWs ay dapat magprisinta ng negative RT-PCR test result na ginawa 48 oras bago ang boarding nito sa eroplano pabalik ng Pilipinas.

Isusumite ang resulta ng negative RT-PCR sa BOQ pagdating dito sa bansa.

Kapag ang repatriation ay inisyatibo naman ng gobyerno, kailangang magkaroon muna ng pakikipag-ugnayan sa isa’t isa ang Department of Foreign Affairs (DFA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Transportation (DOTr), Bureau of Quarantine (BOQ), Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at National Task Force Against COVID-19, 48 oras bago ang pag-alis sa country of origin ng repatriates.

Facebook Comments