Pagpasa ng applications para sa local absentee voting, hanggang sa susunod na linggo na lamang – Comelec

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Elections (Comelec) na hanggang March 11 na lamang ang pagtanggap ng applications para sa Local Absentee Voting (LAV) para sa May 13 midterm elections.

Ayon sa Comelec, maaring sumalang sa LAV ang mga opisyal at kawani ng gobyerno, miyembro ng PNP at AFP, media practitioners basta sila ay rehistradong botante.

Layunin ng LAV ang iprayoridad ang mga hindi makakaboto sa araw ng election dahil sa kanilang trabaho.


Ang three-day local absentee voting period ay mula April 29 hanggang May 1, magsisimula sa alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.

Facebook Comments