Pagpasa ng mga batas kontra sa pananakit ng bata, teenage pregnancy, isinusulong ng Council for the Welfare Children

 

Isinusulong ng Council for the Welfare Children (CWC) ang pagpasa ng batas na nagsusulong ng positive parenting.

Ayon kay CWC Executive Director Undersecretary Angelo Tapales, gusto nilang maipagbawal ang corporal punishment o pananakit ng mga bata bilang paraan ng pagdisiplina.

Ito ay makakatutulong sa mga magulang para mapalaki ang mga anak na independent nang hindi pinagmamalupitan.


Kasabay nito, sinabi ni Tapales na napansin rin ng CWC ang pagtaas ng kaso ng pagbubuntis sa mga teenager.

Dahil dito, isinusulong ng inter-agency body na magkaroon na rin ng batas para matugunan ang isyung ito.

Ibinida naman ng opisyal na aktibo ang CWC sa pakikipaglaban sa karapatan ng mga bata sa local government units (LGUs) sa buong bansa.

Facebook Comments