Pagpasa sa panukalang itaas sa ₱1,000 ang pension ng senior citizens, lusot na sa Senado

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill number 2506 o ang panukalang batas na nagtataas sa ₱1,000 ng buwanang social pension ng mga mahihirap na senior citizen mula sa kasalukuyang ₱500.

18 mga senador ang bumotong pabor sa panukala, walang tumutol at wala ring nag-abstain.

Ayon kay Senator Joel Villanueva na siyang sponsor ng panukala, tumaas na ang presyo ng bilihin, kaya marapat na itaas din ang monthly social pension ng mga indigent senior citizen.


Nakasaad sa panukalang batas na bukod sa cash payout ay maaari ding kunin ang social pension sa iba paraan tulad sa e-wallet kung saan hindi ibabawas sa mga benepisyaryo ang transaction fee, kung mayroon man.

Ayon sa batas, ililipat din ang implementasyon, distribusyon at pamamahala ng pension mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) papunta sa National Commission of Senior Citizens.

Facebook Comments