Pagpasasaayos ng ₱20-million farm-to-market road sa Negros Oriental, sinimulan na ng DAR

Pasisimulan na ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang ₱20 milyong halaga ng farm-to-market road project sa Barangay Gomentoc, Ayungon Negros Oriental.

Nakipagtulungan na ang DAR sa Ayungon Local Government Unit (LGU) para agad masimulan ang proyekto.

Ayon kay DAR Central Visayas Assistant Regional Director Arthur Dulcero nasa 1,090 kilometrong road project ang ilalatag sa lugar na pinondohan sa ilalim ng Agrarian Reform Fund.


Paliwanag pa ni Dulcero na hindi bababa sa 200 agrarian reform beneficiaries at ang mga residente sa Barangay Gomentoc at Sitio Basak ang maseserbisyuhan ng farm-to-market road kapag natapos na ito.

Mahalaga aniya ang road project para sa pag-angat ng kabuhayan ng mga magsasaka.

Dagdag pa ng opisyal na ang inisyatibang ito ay hindi lamang mapabubuti ang kanilang pag-access sa mga merkado ngunit makatutulong din sa paglago ng ekonomiya ng lugar.

Facebook Comments