Nagdeklara ngayong araw na ito (Octber 1,2019) si Isabela Governor Rodito Albano III ng pansamantalang pagbabawal sa pagbasok ng baboy o kahit na anong produktong mula sa karne ng baboy sa buong lalawigan.
Sa ngayon ay mahigpit ang ibinagay na kautusan ng gobernador sa Task Force African Swine dito sa lalawigan na magsagawa ng check point sa lahat ng ng mga bayang entry point dito sa Isabela. Nagtalaga na ng health monitoring check point sa mga bayan ng Cordon at San Pablo. Ang Cordon ang gateway ng Isabela sa timog at ang bayan ng San Pablo ay pasukan at labasan sa hilagang bahagi ng lalawigan.
Personal na inatasan ni Governor Albano si Retired P/BGen Jimmy Rivera, Commander ng Task Force Oink Oink na ipatupad ang kanyang kautusan.
Ang pagpapatupad ng kautusang ito ayon sa lokal na pamahalaang panlalawigan ng Isabela ay para matiyak ang kaligtasan ng mamimili at kalusugan ng mga alagang baboy sa buong Isabela.