Suportado ng Makabayan sa Kamara ang pagtutol sa pagpasok ng mga developers sa Sagada, Mountain Province.
Ito ay kasunod ng napaulat na pagpasok umano ng Ayala Land Inc. sa Sagada para sa acquisition at development ng mga properties sa lugar na una namang itinanggi ng real estate firm.
Ayon kay Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat, kanilang haharangin sa Kamara sakali mang mayroong mga development na gagawin sa lugar na itinuturing na sagrado at iniingatan ng mga katutubo.
Nababahala ang kongresista na kapag pinasok ng mga pribadong kumpanya o korporasyon ang lugar ng mga ninuno ay masisira ang kanilang lupain, kultura maging ang dignidad ng mga nabibilang sa minorya sa bansa.
Ikinatuwa din ng mambabatas na suportado ng lokal na pamahalaan sa Mountain Province ang anumang hakbang na isapribado ang kanilang lugar.