Pagpasok sa vlogging world ng mga kapwa showbiz personality, dinipensahan ni Paolo Contis

Dinipensahan ng aktor na si Paolo Contis ang pagdagsa ng maraming artista sa social media platform sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ay matapos maging kapansin-pansin ang biglang pagiging aktibo ng mga artista sa social media tulad ng Instagram, Facebook, Twitter at YouTube.

Say ni Paolo, nasa survival mode ang bansa kaya’t normal lang na maghanap ang pagkakakitaan ang maraming artista.


Bukod aniya sa pagkakaroon ng malaking exposure sa web, maaari ding i-monetize ang paglikha ng video content via YouTube at Facebook, dahil mas madali itong magagawa dahil sa fan base.

Sa ngayon, umabot na sa halos 300,000 YouTube subscribers at higit isang milyong followers sa Facebook ang mayroon si Paolo.

Facebook Comments