Kinondena ng 4th Infantry Division Philippine Army ang ginawang pagpatay ng New People’s Army o N-P-A sa isang tribal chieftain sa Santiago, Agusan del Norte.
Ang biktimang si Datu Rostico Sandag Porogoy ay pinatay noong Martes ng umaga habang papunta sa Manobo community sa Santiago.
Napag-alaman na binaril si Datu Porogoy ng tatlong armadong N-P-A at tinamaan sa kaniyang likod at balikat na siyang dahilan ng kaniyang pagkamatay.
Ayon kay Ltc Glen Aynera, Commanding Officer ng 29th Infantry Battalion na ang ginawang pagpatay sa biktima ay naging banta at nagbigay ng takot sa mga lumad na gustong mamumuhay ng mapayapa.
Idinagdag ni Aynera na ang nangyari ay nagpapakita rin ng kagustohan ng N-P-A na kontrolin ang mga lumad at iba pang gustong humarang sa kanilang mga ginagawa.
By: Kasamang Annaliza Amontos-Reyes
Pagpatay ng NPA sa isang tribal chieftain, kinondena ng 4th ID
Facebook Comments