Pagpatay sa isang planter sa Negros inamin ng NPA

NEGROS OCCIDENTAL – Inamin na ng Roselyn Pelle Command sang New People’s Army dito sa Negros ang pagpatay sa sugarcane planter na si Norberto “Bebe” Lumayno, 67 anyos at sa driver nito na si Danilo Braga noong Huwebes sa Spur 8, Brgy. Minapasok, Calatrava.

Sa isang press release na ibinigay sa dyHB na inilabas ng Roselyn Pelle Command, inihayag ng kanilang spokesperson na si Cecil Estrella na isang tagumpay para sa kilusang rebolusyonaryo ang pagpapatupad ng desisyon ng parusang kamatayan laban kay Lumayno.

Itinurong dahilan ng parusa sa biktima ay ang mga kaso nitong pagpatay sa mga inosenteng mga magsasaka at sa malawakan nitong pag-land grab sa ilang mga lugar sa Toboso, Calatrava at Don Salvador Benedicto.


Ayon sa NPA, si Lumayno at ang driver nito ay pinatay ng isang unit ng NPA sa ilalim ng Roselyn Pelle Command Larangan Norte.

Naniniwala ang NPA na si Lumayno ay isang notorious na land grabber at gumagamit ng armadong mga goons upang takutin at pilit na paalisin ang mga mamamayan na nagsasaka sa mga lupang kanyang inagaw. *(Translated to Filipino – dyHB)*

Facebook Comments