Pagpatay saassistant schools division superintendent sa Sulu, kinondena ng DepEd

Kinumpirma ng Department of Education (DepEd) ang karumal-dumal na pagpatay kay Dr. Sonatria D. Gaspar, ang Assistant Schools Division Superintendent sa Sulu.

Ayon kay Education Sec. Sonny Angara, ang pagpatay kay Gaspar ay malinaw na pag-atake sa education system.

Aniya, walang puwang sa komunidad ang mga karumal-dumal na gawain.

Nakipag-uugnayan na rin ang DepEd sa pamilya ng biktima para sa kaukulang tulong.

Nabatid na isang armadong suspek ang pumasok sa compound ng biktima at saka siya pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang krimen.

Facebook Comments